Imahe ng Ideal Man ko. (Si bestfriend.)
Realist. Very idealistic kasi ako. Ayoko minsan maniwala sa mga obvious na nangyayari sa mundo, dahil parati akong naniniwala na may mirakulong mangyayari sa buhay. Pero minsan, masyado na akong nakakulong sa loob ng malapantasya kong mundo, ayokong bumitaw, dahil natatakot ako sa makikita ko sa totoong buhay. Kailangan ko ng taong huhugot sa akin doon, hindi sapilitan, kundi dahil siya mismo ang huhugot sa akin. Kailangan niya imulat ang mata ko sa realidad, na minsan hindi pantasya ang buhay. Pwede mangarap, pero kailangan gumalaw.
Expressive. Walang barrier na itinatayo sa gitna ng mga taong nakakasalamuha. Hindi tulad ko, na kahit simpleng salita nahihirapan ako sabihin, lalo na kapag totoo. Open sa kahit na anong pakiramdam, masakit o masaya. Mapagmahal, kahit masakit. Matatag, kahit mahirap.
Sense of Humor. Korni kasi ako, hindi ako ganun kagaling magbigay ng jokes, hindi tulad ni daddy. At sa kabila ng pagiging realist, hindi pa rin nawawala ang nais na magpasaya at magpakasaya. Hindi nawawala ang paniniwala na sa buhay may kasiyahan, at yun ang pinaka goal ng bawat isa sa tin. Kung mapapantayan niya ang sense of humor ni daddy....
Masarap kausap. Kahit buong araw pa tayo magtalakan, hindi ako magsasawa. Kulang ang buong araw.
Marunong magluto. Gusto ko ng ipinagluluto ako, kesa sa ako ang magluluto para sa sarili ko. Hindi practical, pero mas gusto ko mag-aappreciate ng gawa ng iba, kesa sa gawa ng sarili ko.
Mahilig sa bata. Tanda ito na hindi niya nalilimutan ang kahalagahan ng kabataan sa bawat tao.
Tanggap ako bilang ako. Nakita akong dugyutin, nakita akong umasta na parang lalake, nakita akong nagpakabaliw sa buhay.... nakita akong maging ako sa iba't ibang klase ng tao. Umutot, nagmuta, umiyak...
Complimentary. Hindi nagbibisyo. Hindi nanggugulat. Hindi nagpapakabaliw. Pero hindi serioso---serioso kasi ako, sa lahat ng bagay, kahit parati akong nakangiti.
Pangarap mag-abogado. Hindi ko alam kung bakit. Pero eto na ata ang pinaka-opposite ng gusto ko kunin sa buhay. Ayoko kasi ng magkapareho kami ng kukuning field. Pero wala naman kasi kung manunulat ka.
Bestfriend. Kaya ko maging ako pag kasama ko siya.
Lahat ng yan, nakita ko sayo...
Hanggang bestfriend na nga lang ba tayo?
//
01:23 PM | 2 comments.